BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, June 11, 2011

Pilipino, Tunay ka na nga bang Malaya?

Araw ng Kalayaan. Freedom day. Independence Day.

Lagi itong ipinagdiriwang tuwing June 12. Ito raw ang petsa kung kailan pinasinayaan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pang-aalipin ng dayuhan.

Nagkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagbasa at pagpapahayag. Malaya na nating naipapahayag ang ating saloobin. Madalas ay sobra sobra pa nga na nagagawa pa nating mambulahaw ng iba. Tulad ng pag-popost ng mga “What’s on your mind sa facebook?”. Malaya ang madla na ibagsak ang sinumang nanunungkulan na ayaw nila. Malaya tayong gumala sa kahit saan natin naisin. Malaya tayong makipagkwentuhan sa kahit kanino, kahit nga buhay ng may buhay pinag-uusapan. Malaya rin tayo sa pagpili ng mga produkto at tinatangkilik, kaya nga marami ang may colonial mentality. Mas gusto pa ang produktong galing abroad kaysa sa sariling atin. Malaya rin sa kultura, liberated. Mabibilang na lamang sa daliri ang mga dalagang Maria Clara. Malaya sa pagpili ng trabaho, pwede rin ang di magtrabaho, kaya maraming nanlilimos sa kanto. Malaya rin sa pagpili ng adhikain, saloobin at relihiyon.

Masasabi ba nating malaya na tayo kung inaalipin pa rin tayo ng relihiyong sinasabing ipinamana sa ‘tin ng ating mga ninuno? 333 taon tayong inalipin ng Kastila, 48 taon naman ng Amerikano at 3 taon ng Hapon. Relihiyon. Ayon sa kasaysayan, ito ang pinakamabisang kasangkapan ng dayuhan upang masakop ang mga tao kaya ginamit ng mga Kastila ang Katolisismo para maakit ang mga Pilipino at nang naakit na ay unti-unti na nilang kinamkam ang Pilipinas at pinakinabangan ng husto ang likas na yaman ng bansa. At ang pinakamasakit pa ay tinanggalan ng kalayaan ang mga Pilipino at naging alipin ng dayuhan.

Katolisismo. Ayon sa pananaliksik ay relihiyon na ang karamihan ng pinaghugutan ng mga aral ay Paganismo. Kaya ang mga gawain at tradisyon nito ay gawaing pagano. Mga larawan at rebultong dindasalan. Mga piyesta at mga kalayawan. Pagsusugal at mga bisyo. Mga aral na di nakabatay sa Biblia, mga aral na gawa-gawa ng tao.

Protestantismo. Aral ng mga protestante na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya ay maliligtas na sila. Ngunit ayon sa Banal na Kasulatan, kailangan itong lakipan ng gawa. At ito’y hindi basta-basta dahil nangagailangan pa ito ng pagpasok sa kawan.

Ngayon, masasabi ba nating malaya tayo kung taglay pa rin natin ang relihiyong kinasangkapan ng dayuhan para sakupin ang ating bayan? Grade 2 pa lang ako ay ito na ang itinatanong ko. BULAG! BULAG ang mga Pilipino. Bakit hindi nila naisip na dapat na ring itapon ang kasuklam-suklam na relihiyon kasabay ng pagyakap nila sa kalayaan ng bansa.

May mga magsasabing:

“Ito lamang ang pinakamatino nilang pamana. Ang kumilala sa Dios.”

Oo, maaring ito nga ang kinagisnan natin. Ngayon, sinasabi ko sa inyo, “Hindi iyan ang tunay na paglilingkod sa Dios. Kung sa kasinungalingan ka ba namulat, dyan mo na rin gustong mamatay? “

“Masaya na ako dito. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pwede akong di magsamba pag gusto ko. Pwede akong makipagpiyesta, magsugal, maglasing. Makipag-leave-in. Makiapid. Lahat pwede kong gawin nang hindi ako nawawala sa relihiyong kinaaniban ko. ”

Samakatuwid, hindi Dios ang pinaglilingkuran mo kundi ang sarili mo lang. Walang pagsasakripisyo. Wala sa puso ang pagsunod. Pakitang tao lang ang paglilingkod. At sa tingin mo totoong nakatala ang pangalan mo sa langit? Tanging ang nasa loob ng kawan lamang ang nakatala ang pangalan sa Aklat ng Buhay. At kung ikaw ay lalabag sa aral Niya, ay pinapawi Niya ang pangalan mo sa Aklat ng Buhay sa langit. Kaya may pagtatali at pagkakalag na nagaganap sa lupa at sa langit.

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” – Mateo 16:18-19

“Naglilingkod naman ako eh. Lagi akong nagpupunta ng church every congregation. Mabait ako, di ako nagnanakaw, di ako naglalasing.”

Mabuti, mabuti. Ngunit naalala mo ba ang talinghaga ng taong mayaman:

At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? 17At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos. 18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan, 19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin? 21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pag-aari.

23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. 24 At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios.

-Mateo 19:16-24

at

“Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.” –I Corinto 1:19

Kailangan ang buong pusong pagsunod sa Dios at kay Jesus. Kalooban Niyang pumasok ang tao sa Kanyang kawan. Sa tunay na relihiyon.

“Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga na kayo'y palayain.
Sasabihin ko rin sa mga bansa sa timog na huwag kayong pigilan,
hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako;
mula sa lahat ng panig ng daigdig.” – Isaias 43:6

Ito ay isa sa mga hula ng Biblia na ang pinatutukuyan ng Hilaga ay ang Protestantismo. Ang Timog naman ay Katolisismo. Dahil ayon sa kasaysayan ay nakararami ang protestanteng bansa sa hilaga at katolisismo sa timog. Dalawang naglalakihang relihiyon sa mundo.

Samantala, ang tinutukoy naman na palayain at huwag pigilan ay ang bansang kinatuparan ng muling pagbangon ng tunay na Iglesiang kay Cristo, ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw. Ang bansang Pilipinas na inimpluwensyahan ng Katolisismo at Protestantismo.

Nasasabi marahil ng isang tao na malaya na siya kung malaya niyang nagagawa ang nais niyang gawin. Gayunpaman, nalalaman nating lahat na may limitasyon ang lahat ng kalayaan. Ang kalayaan na galing sa Diyos ang dapat na pagsikapang matamo ng tao. Dahil ito ang magiging daan niya para sa buhay na tunay na malaya, buhay na nakalulugod sa Dios. Buhay na ikapagtatamo ng Buhay na Walang Hanggan pagdating ng takdang araw.

Inaanyayahan po namin kayong makinig, magsuri sa aral ng Iglesia ni Cristo. Ang tanging daan at kaparaanan sa tiyak na kaligtasan. Pagpalain nawa tayo ng Dios.

Monday, March 28, 2011

My pc is newly Reprogrammed...Just like Me

27th of March, 2011, Sunday

Today is the last day of our Holy Supper. I feel like new. Brand new me. It seems Father had answered my prayer. It seems that He accepted me. I am very thankful that He never leaves me.

I was half-awake in my bed this afternoon and I said to myself, my desktop, after a year of being used, gone infected again. It auto restart whenever I log on to my account, but if I log on different account that I had created (also admin account), it works normally. Maybe there is some system files corrupted in my account. Anyway, I had loaded so many games, applications in there and most are rarely used. Better to delete them to start anew. Oh then I realized, just like me today. It looks like a cleansed me, a newly reprogrammed me.

The piece of bread and chalice of grape we took this morning was for remembering the body and blood of Jesus Christ our saviour that He had laid His life for His church, for the forgiveness of our sins. Our Holy Supper is a very important occasion wherein we will be judged by God according to our deeds. It’s either we will receive blessings or curse. Just like what happened to the Last Supper of the thirteen apostles with Jesus. Judas received curse after he ate the bread and drank the grape. As a blessing, it not only affected the spiritual aspect, it could also affect the daily lives and the future life. It could also heal sickness. It could grant forgiveness to the sins of the humble servants who will ask for forgiveness with an oath of starting a new life that is pleasing to Him.

I am now newly reprogrammed. Newly-cleansed and given chances to start anew. I should get rid the bad things I had done in the past and pledged that I shall never do those things again. I shall obey all His advices and walk according to His direction. And I know I will never lose my way. I know, my dreams will come true in the near future because He’s the one Who is always guiding me. I trust in His timings and I lay my future to Him. I’ll do all I can do to follow. But the largest factor is the Holy Spirit who guides me will take the big part in my life and will help me finish my race.

May Father help me.


“It’s often difficult to wait for God’s time...

The waiting period often brings pain and confusion...

But it’s always worth to trustfully wait on God,

even if He seems silent.

Because when His plan is revealed, we’ll surely

Thank Him for being right on time..

Be still & know that He is God. ”

Friday, March 11, 2011

May dapat bang Katakutan?

Natatakot ka ba sa multo? Sa alien? O kaya ay sa mga di pangkaraniwang nilalang? Si Ran ng detective conan, bagamat mahusay sa pangangarate ay takot sa mga ganitong nilalang. Kasi daw ay hindi naman tinatablan ng karate ang mga nasabing nilalang. Maaring magbigay sa tin ng kilabot kung tayo ma’y maka-encounter ng mga ganitong bagay. Kahit di pa ko personal na nakakakita ng mga ganitong bagay, ay naniniwala akong may nag-eexist na ganito dahil sila’y kasangkapan ng Diablo upang mandaya. Ngunit ano ba talaga ang sandata laban sa kanila?

Ano pa ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng takot at pangamba? Lagi nating nababalita sa radyo o tv na palala ng palala ang mga krimen at pagpapatay na tila karaniwan na lang na araw-araw natin itong marinig. Kalilindol lang dati, may isa na namang indol na kumitil ng maraming buhay. May gulo doon, may gulo dito, pati trabaho mo naapektuhan. Pati bilihin nagtaasan. San tayo lulugar? Kahit saan naman may nakaambang panganib at kaguluhan.

May personal na takot at pangamba rin tayo di lang sa mga materyal na pangagailangan. Iniiisip natin pano ang buhay natin sa hinaharap gayong palala lang at wala nang kagalingan pa ang mundo. Sinong magsasabing makakabangon pa ang mundo? Hangal ba siya? Kahit ang magaling na ekonomista, sa kalagayan ngayon, hindi niya masiguro kung may pagbabago pa sa hinaharap.

Malapit nang maghukom. Natatawa ka? Hindi ka naniniwala? Wala kang pake?

Ou totoo yun. Malapit na ang paghuhukom kaya ganyan. Nasusulat iyon at hindi pa kailanman nagkamali ang Biblia. Siyempre, lahat sa atin gustong maligtas pagdating ng araw na iyon. Kahit mga ateista ay nanaising maligtas kahit na wala silang Dios.

Anong meron sa araw na iyon? Sa araw na iyon ay darating na muli ang Panginoong Jesus sa lupa upang sunduin ang Kanyang mga lingkod na nagtapat hanggang wakas. Sa kabilang banda’y lilipulin ang mga di maliligtas at sa Impiyerno ang kanilang kaparusahan. Sabi nga sa kaninang leksiyon, ang mga tao ng Dios sa mga huling araw na aabutan ng dakilang Araw na iyon ang siyang makakakita ng pinakamasamang kalagayan ng daigdig, ngunit siya rin namang makakakita ng napakadakilang pagparito ng Panginoong Jesus at ito ang pinakamasayang karanasan sa buhay nila.

Ngayon, may takot ka at pangamba? Matatakot ka ba sa Diablo? Magpapatukso sa kanya? Takot ka sa mga alalahanin na iyong masasagupa pa?

Ang tunay na lingkod ng Dios, walang kinatatakutan. Marami na siyang lingkod na pinagtagumpay Niya mula pa noong una. Kaya kung ikaw ay tunay Niyang hinirang, sinuman o anumang ilagay ng kaaway diyan sa harapan mo ay hindi ka maano dahil sa Dios nakalagak ang buo mong tiwala.

Hindi ko malaman at sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip kung bakit ang mga kaibigan at kakilala ko na may kaniya-kaniyang paniniwala na tila ba ay sarili lang nila ang pinagkakatiwalaan. May mga hidwang paniniwala. Na tila ba ay inaalipin ni Satanas upang huwag makita ang liwanag. Ngunit di pa rin napapawi ang aking pag-asa at pagtitiwala sa Ama tulad ng aking ipinapanalangin na sana ay magkaroon ng kaliwanagan ang kanilang puso’t isipan upang makita nila ang Kaniyang katotohanan at makapagsama-sama kami sa marapat na paglilingkod sa Kanya. Upang sa gayon ay magsama-sama kami sa Bayang Banal na pangako Niya. Tulungan nawa tayo ng Ama.

Monday, March 29, 2010

Hindi Ako Susuko


Kailan kaya?

Ngunit di pa rin nawawalan ng pag-asa..

Marami akong personal na mga pangarap sa mundo na ito. Sa career, maging magaling o successful akong 3D artist, animator specially in the field of film animation. Sa lovelife, magkaroon ako ng mabuting mapapangasawa at magkaroon kami ng masayang sambahayan. Sa materyal na bagay, gusto kong magkakotse at magandang bahay. Kahit hindi mapera basta kontento sa mga bagay na tinatangkilik.

Tungkol naman sa espiritual na siyang pinakamahalaga sa lahat. Nais kong magkaroon ng malakas pang pananampalataya. Dalangin ko sa Ama na sana basbasan pa Niya ako ng lalo pang malakas na espirito upang maipagtanggol ko ang katotohanan Niya. Kapangyarihan upang lalo ko pang maipag-anyaya ang Kanyang mga salita at maging mabisa ito upang magising ang natutulog na isip ng mga mahal ko sa buhay na ayaw dinggin ang katotohanan.

Lahat ng ito'y pangarap ko. Ngunit kung isang pangarap lamang ang maaring matupad, ito na ang hihilingin ko sa Ama, MALIGTAS NAWA LAHAT NG MGA MAHAL KO SA BUHAY. Magising na sila sa katotohanan na kailangan ng Iglesia.. ng tunay na Iglesia para maligtas. Nasabi ko nga, kahit buhay ko'y handa kong ialay, maligtas lamang sila. Silang lahat, mga kaibigan, kamag-anak, lalo na yung mga nanlalamig na, mga kakilala, katrabaho, kaklase, guro, silang lahat na naging parte ng buhay ko. Ngunit di ako katulad ng Panginoong Jesus na banal ang dugo kaya natubos Niya ang kasalanan ng Kanyang Iglesia. Hindi ko maaaring ipantubos ang buhay ko sa kanila. Ni hindi ko maaaring yakapin sila sa araw ng paghuhukom para kasama silang maliligtas kahit wala sila sa tunay na Iglesia. Sila sa sarili nila ang kikilos upang maligtas sila. At ginagawa ko ang aking makakaya upang maging kasangkapan upang maakay sila.

Kuntento ka na sa relihiyon mo?

Akala mo maliligtas ka na diyan?

Ah, diyan ka na namulat? Gusto mo dyan ka na rin mamatay? Yan ang paninindigan mo? Kung sa kasinungalingan ka namulat, dyan ka na rin mamamatay?

Nasuri mo ba lahat ng aral diyan sa kinaaaniban mo? Nakabase ba lahat ng aral niyan sa Bibliya? O gawa-gawa lang ng tao? Hindi na kalooban ng Dios ang nasunod pag ganon! Kalooban na ng tao yun! At yun ang aral ni Satanas. Wala sa Biblia.

"Hindi mo ako mapag-Iiglesia kahit kailan! Sumasama lang ako sa 'yo dahil pinagbibigyan kita." Eto ang masakit at di ko malilimutang sinabi ng mahal kong kaibigan nang inaanyayahan ko siyang sumamba kahit minsan lang matapos ko siyang maakay sa marami na ring pamamahayag. Parang hinihiwa ang puso ko sa sinabi niya. Isipin ko lang na papahirapan siya sa dagat-dagatang apoy o impyerno araw at gabi, ay di ko na maatim isipin. Naluluha na lamang ako. Ayaw niya makinig sa akin. Hindi nya ko pinaniniwalaan. Hindi nya deserve mapunta sa impyerno, napakabuti niyang tao. Naalala ko tuloy ang sinabi ng mabuti kong guro noong high school. Tungkol sa aral ng Iglesia na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang maliligtas. Sabi niya sa usual na malumanay na pahayag, "..Siguro naman mabait ang Dios di ba?" Ang nais niyang ipakiwari'y hindi magtatangi ang Dios. MALI! Gusto ko sumagot noon, ngunit hindi naman ako tinatanong, nagdidiscuss lang siya. Noon pa man ay nagbukod na ang Dios. Ang bayang Israel na una Niyang bayan ang tanging binigyan Niya ng karapatang maglingkod sa Kanya. Ngunit natalikod ang bayang Israel dahil sa pagsuway nito. Kaya kung mapapansin nyo, laging may gera sa bansang Israel. Tila isinumpa ng Dios ang bayan na iyon. At dagdag pa, sabi ng Ama, iwawalat Niya ang karunungan ng marurunong at kabaitan ng mababait. Kaya kahit anong bait mo pa, kung di ka kabilang sa tinubos, hindi ka nakasisiguro ng kaligtasan.

Ngunit dahil sa habag at awa ng Ama sa mga tao, muli Siyang naglagay ng kasangkapan upang muling matayo ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw, sa malayong Silangan. Sabi ng kasamahan ko sa trabaho, mapagmasid din daw siya sa paligid. Maraming naglipanang mga relihiyon diyan na hango din daw sa Biblia ang pangalan. Kaibigan, ibahin mo ang Iglesia! Ito, kung iyong sisipiin sa Biblia ay may pinakamaraming patotoo na ito ang tunay na isinasaad ng hula. Ayon na rin sa patotoo ng kasaysayan. Maraming beses ko na itong isinaad sa nakaraan kong mga artikulo.

Noong grade 2 ako, tinanong ako ng Katekistang nagtuturo sa seksiyon namin kung ano ang relihiyon ko. Siyempre proud ako "Iglesia Ni Cristo po." Sabi niya, "ah, Iglesia Ni Manalo.." Pasalamat siya at bata pa lang ako noon. Kung hindi'y baka napahiya siya sa pagyurak ng pangalan ng tunay na Iglesia Ni Cristo. Kaunting respeto manang katekista, baka tawagin ko po kayong katoLIKO, tunay naman. Dahil ayon sa Biblia, ang Iglesia Katolika ang kinatuparan ng pagtalikod ng bayang Israel. Sila ang Iglesiang natalikod. Biblia ang may sabi niyan.. Maraming sa mga aral nito ang kabalintunaan sa itinuturo ng Biblia. At siya ang hinuhulaan sa Biblia na babaeng pakakak na nakaupo sa mangkok sa ibabaw ng karagatan. Lumalarawan sa pagigi nitong Universal o pandaigdig na relihiyon.

Ngayon naman. May nakilala akong matino namang kaibigan. Client namin siya actually. May itsura sana siya kaso ADD. Sabi niya sa akin, 2 taon na daw siyang nakikinig ng aral namin sa TV. Gusto niya lahat ng mga ang aral ngunit 1 lang daw ang di niya matanggap. Na itinuturo namin na tao ang Panginoong Jesus at hindi Dios. Ou, ngunit wala kaming sinabing "tao lang." Tao Siya ayon sa pagtuturo ng Biblia ngunit napakataas ng pagkakilala namin sa Kanya. Una siya ang ulo namin, ng Iglesia, kaya nga Iglesia Ni Cristo. Ikalawa, siya ang tagapamagitan namin sa Ama kaya lagi naming isinasama sa panalangin ang Kanyang pangalan upang ipakiusap ito sa Ama. Ikatlo, Siya ang tumubos ng aming kasalanan. Kung kaya dapat naming suklian ang kabutihan Niya sa amin. Inutos din ng Ama na sambahin Siya, kaya sinasamba namin Siya ngunit hindi bilang Dios kundi bilang anak ng Dios na ulo ng Iglesia. Kaya nga may Banal na Hapunan kami o Sta. Cena para sa pag ala-ala sa dugo at katawan ng Panginoon sa ginawa Niyang pagtubos sa aming kasalanan. Ngayon, bakit ang aral namin ay tao Siya? Siya na rin ang may sabi. May laman siya, may buto. Hindi Siya espirito. Nagutom, nauhaw, nasaktan, nahirapan at namatay Siya. Ang Dios ay di nakakaranas ng ganito ayon sa Biblia. Nang buntis tao si Maria, hindi naman sinabi ng aklat na nagdadalang-Dios si Maria, kundi nagdadalang-TAO. Nang manalangin Siya sa bundok bago siya ipako sa krus ay tumingala Siya sa langit at sinabi Niya sa panalangin, "......at makilala Ka nila na kaisa-isang tunay na Dios. " Hindi Niya sinabi na: "Makilala nila TAYO na tunay na Dios." -- Walang ganoon sa Biblia. At marami pang patotoo ang Biblia na tao ang Panginoong Jesus.

Kami lang na tunay na Iglesia ang nagtuturo ng dalisay na aral. Partikular na ang pagiging tao ng Panginoong Jesus. Kaya nabulagan ang mga sektang protestante at katoliko ay dahil sa wala sa kanila ang pagsama ng Ama. Iba ang itinuturo nila dahil hindi sila isinugo ng Ama. Sapagkat sa sugo lamang Niya ipinakita ang hiwaga ng Bibliya.

"Ang Banal na Kasulatan, nakalihim sa hiwaga

Sa sariling pag-aaral ay hindi maunawa.

Ang Banal Niyang aklat, sa Sugo Niya'y nahayag

Ang Dios ang Siyang nagbigay ng mga karunungan."

Kaya kahit napakarunong pa ng isang tao, sabihing nag-aaral pa sa pinakamagandang unibersidad sa ibang bansa, ay hindi niya mauunawa ang hiwaga ng Biblia, sapagkat di siya isinugo, maiiba ang interpretasyon niya dito, kaya maraming relihiyong nagsulputan.

Ngunit ang tanging sugo lamang ng Ama ang pinagkalooban Niyang makaalam ng katotohanan upang ipangaral ito sa mga tao. Natupad ang hula ng Biblia ukol sa ibong mandaragit na tinawag mula sa malayong silangan. Si Ka Felix ang naging katuparan. Ito'y ayon sa maraming patotoo ng Banal na kasulatan.

Kaya mga mahal ko, kasuklaman, pagtawanan, libakin nyo man ako at layuan. Di ako susuko. Ipapanalangin ko kayo sa Ama. At gagawin ko ang aking makakaya upang magising kayo sa pagkatulog sa mahalagang katotohanan.

Hindi ako susuko. Hanggang kamatayan ako’y lalaban.

Tulungan nawa ako ng Ama.

Wednesday, September 2, 2009

His Legacy will Remain in our Hearts


Just this morning while I was waiting in my turn for my second job interview, I received a text from a friend saying that Ka Erdy had already passed away.. “pinagpahinga na ang Ka Erdy…” At first, I can’t believe it, I had asked it to several brethren in text. My mama replied saying “Aimee, oo.” My eyes suddenly got blurred, warning to drop a tear. But I manage to keep it from falling to become presentable in the interview. And I shall have positive thoughts. It’s God’s will. Just like mama said in text, “..magpakatatag ka, lahat ay dapat mangyari, malapit na talaga!” Malapit na ang wakas.

While I’m walking in the long way of Ortigas, in my mind the thought still insist in here. I shall continue the fight, the fight that Ka Felix, Ka Erdy, the INC admins and INC members is been fighting for: To spread His truth, to do His will, to bring His people to His Holy Land.

Isang malaking pagsubok sa Iglesia ang pagdadalamhati na ito. Dito muling masusubok ang katatagan ng bawat kapatid.

“Kahit Tagapamahala man ay pumanaw,

Sa piling natin Siya’y buhay,

pagkat ang Kaniyang kahalalan

Ay di mamamatay.

Hangad ng sugo at pamamahala ng Ama

Tayo’y muling magkita

Makasama sa bayan Niya

Walang maiiwan..”

When I reached home, I watched the live coverage in channel 7. I hate the way Mel Tiangco and Mike Enriquez address Ka Erdy as “Eranio”, “Manalo”. The reporters are more polite than them addressing Ka Erdy as “Ka Erdy” or “Bro. Eranio”, unlike the two impolite newscasters. What a shame! They never even send their condolence to the INC. Never! I’m not angry but I got irate. I feel pity for them. It wouldn’t do good for them.

After attending our panata this evening, and it’s the prayer in Ka Erdy’s death, for God to continually guide His administration and His people more today that the world is coming to it’s very near ending.

He had finished his race and he’s now in his long peaceful sleep, waiting for the day of our salvation. We will altogether see each other again when that day comes.

He’s now gone physically but still, like the song above, his legacy will forever be living in the heart of every Iglesia Ni Cristo members.

We shall strive harder and fight for God’s truth. As Bro. Erdy said in his texto that is also viewed in 95th Anniversary Special,

"Imisyon ninyo ang Iglesia, ke tanggapin nila, ke hindi,sabihin ninyo kung ano ang tunay na kaligtasan, sabihin ninyo kung ano talaga ang kaparaanan sa kaligtasan. Ang tunay na Iglesia Ni Cristo. Tanggapin nila't hindi, nakapagpatotoo kayo. Darating na si Cristo. "

These words strengthen my will to fight for God’s truth. I’ll tell my friends even they don’t believe. More important is I had told them the truth. The calling is from God. So I shall pray for them.

I’ll be finishing my race until the end.

Saturday, July 25, 2009

Filipino Ako! Iglesia Ni Cristo Ako!

Sulyap sa nakaraan.

Noon, gusto kong maging American Citizen, I love their outer traits, blue eyes, tall, white complexion, blonde hair and I like clean look people. One of my super crush is clean-looking. I also love their language, that’s why my most favourite subject is English when I’m still studying. I always want to learn to speak fluently in English lalo na ngayon na kailangan kong magtrabaho sa call center. You heard it right, kailangan, hindi gusto. I have a self ambition to pursue another career but I can’t afford to study again. But why I am speaking English-Tagalog right now? Ok.


Sa pagdaan ng maraming araw ng aking buhay, napag-isip isip kong dapat pala ay itaas ko ang aking noo sapagkat ako’y isang Filipino. Tama, FILIPINO AKO!


Bakit dapat kong ipagmalaki na Filipino ako?


Una, dito sa bansang ito hinulaan ng Biblia na muling babangon ang Iglesia Ni Cristo na natalikod noong una.


Sa mga wakas ng lupa, sa malayong silangan.


Ayon na rin sa pagpatunay ng kasaysayan, ang Pilipinas ang tunay na kinatuparan ng hula sa Biblia na malayong silangan (far east), pulo ng dagat (archipelago). Sa mga bansang nasa malayong silangan, tanging Pilipinas lamang ang bansang Kristiano.


Pangalawa, dito isinilang ang sugo sa huling araw. Isa siyang Filipino at siya'y pinili ng Ama upang muling mabangon ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Siya'y isinugo at kinasangkapan ng Ama upang muling matatag ang Iglesia na itinayo ng Panginoong Jesus noong una,sapagkat ang unang Iglesia ay natalikod, kaya hindi siya ang nagtatag ng Iglesia tulad ng inaakala ng sanlibutan, siya ay isinugo upang ito'y maitatag muli ayon sa kalooban ng Diyos.


At noong ika-27 ng Hulyo, 1914, ay nairehistro ang Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Natupad ang hula ng Biblia na muli itong lilitaw sa mga wakas ng lupa. Ang 'wakas ng lupa' na tinutukoy ay panahon at hindi lugar, ayon sa mga pagpapatunay ng Biblia. Noon pa mang nasa lupa pa ang Panginoong Jesus ay sinabi na Niya na mayroon pa siyang ibang mga tupa sa malayong lupain.


"Ang Iglesia ng una kalagayan nito'y hamak, inusig kinukutya ng kaaway. Gawain Mo'y nagpatuloy sugo'y itinaguyod, salita Mo, o Diyos ang siyang patnubay..." naaalala ko pa ang processional hymn na ito noong inaawit ko pa ito noon sa Pasalamat ng Kabataan. Kitang-kita naman ang katanyagan ng Iglesia Ni Cristo ngayon sa kanyang ika-95 pagkatatag sa Pilipinas. Noong una'y abang-aba ang kalagayan, inuusig ng sanlibutan, ngunit ngayo'y dinadakila at kinikilala na sa lipunan dahil ito'y pangako ng Diyos sa Iglesia. Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi tumatanggap ng tulong sa politiko o sa ibang tao. Wala ring negosyo di tulad ng ibang relihiyon na lumaki dahil sa negosyo. Ang Iglesia Ni Cristo'y nagningning at patuloy sa kanyang tagumpay dahil sa tulong ng tunay na Diyos. Isang matibay na pagpapatunay na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang may tunay na Diyos.


Akin ngang pinagtatakhan ang aking mga kaibigan, sa kabila ng aking pag-akay sa kanila sa loob ng Iglesia ay wala pa rin sa loob nila ang pag-anib dito. Ayaw ba nilang maging isa sa mga kinikilala ng sanlibutan, maging kabilang sa relihiyong niluluhuran ng mga politiko upang sila'y iboto sa halalan. At higit sa lahat, ayaw ba nilang magkaroon ng kapayapaan sa kanilang puso sa katiyakang sila ay maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom. Maaaring ang kanilang dahilan ay ayaw nila ng responsibilidad. Ang nakikita kasi nila ay responsibilidad. Sasamba ng Huebes at Linggo, kailangang regular upang huwag matanggal sa talaan. Bawal magsugal, bawal maglasing, bawal tumaya sa lotto, bawal magsama ng di kasal, bawal mag-asawa ng sanlibutan. Ito, ito marahil ang ayaw nila kaya ayaw nilang umanib sa Iglesia. Marami ang humahanga ngunit hindi nila magawang umanib dahil hindi nila kayang gawin ang kalooban ng Ama. Gusto nila ay yung magagaan lamang. Yun bang tipong sasamba sila kung kelan lang nila gusto. Makakapagsugal sila, makakapaglasing at gagawa ng iba't -ibang kalayawan hanggang naisin nang hindi sila tatanggalin sa relihiyong kinaaniban nila. Iyan ba ang gusto ng Ama?


Ayon sa Biblia, hindi nalulugod ang Ama sa mga gumagawa ng kabutihan ngunit patuloy naman sa paggawa ng kasalanan. Nasusulat, dapat ay maging malinis sa harap ng Ama, layuan ang kasalanan at magiging dapat sa Kanya, kaya kailangan ng laging pagbabagong-buhay.


Labis akong namamanglaw dahil sa marami pa akong minamahal sa buhay na wala pa sa tunay na Iglesia. Ngunit ayon ng sa leksiyon noong mga nakaraang Linggo, pinipili ng Ama ang papasok sa Kanyang bayan. Nagbubukod Siya. Kaya tunay tayong mapalad dahil tayo ang pinili Niya. Patuloy kong ipinapanalangin na sana ay tawagin din Niya ang minamahal kong mga kaibigan, at ang mga naligaw kong kamag-anak ay muli Niyang tawagin pabalik sa Kanya.

Naaalala ko habang ako'y nasa koro,araw ng pagsamba, habang nangangaral ang ministro ay namamasdan ko ang kapulungan. Nakikinita ng mata ko ang aking pangarap. Pangarap ko na sa mga hanay ng sumasamba at nakikinig ay mapabilang ang mga minamahal ko sa buhay na wala pa sa tunay na Iglesia. Ito ang pinakadakila kong mithiin sa buhay bago ko matapos ang aking takbuhin, sana, ang lahat ng mga minamahal ko sa buhay ay makasama ko sa Bayang Banal.

Purihin ang Diyos! Ang Iglesia Ni Cristo ay patuloy sa kanyang kaluwalhatian.
Maligayang ika-95 taong kaarawan!
Sa Diyos ang kapurihan!

Wednesday, June 17, 2009

The world's Toughest Problem

My mind wants to break... no.. break free.. break free from the thoughts of this world. It made me sick, it makes me mad, it makes me crazy.. I have a mixed emotions as of now. My heart likes to break.

According to the Bible, the world will tear apart in the day that people are not aware. On the day people were too busy with their own life. On the day the sinners are doing their sins and on the day when the good doers are doing good things. The day of Judgment day. No one knows the exact date, but people of the God knew that it will come sooner.

Love. Love for loveones. That is my main reason why I build this blog and why I keep on writing what my feelings tell me. Recently I become a competitor in a worldwide contest which having the theme: "Solve the World's Toughest Problems." I joined the contest not for the sake of the world 'cause I truly know that no one can ever revert what was written in the Bible. That is, no one can ever solve any of the toughest problems of the world because it could never ever rise again, the world's problem will be worst in the near future. I joined there just for the sight-seeings and to visit the place where the first people of my Father became servant to the most powerful imperial that day. But I thought, it's not time to have that chance. There should be more important thing to do.

If I will be asked what's the toughest problem of the world is, it will be the people who are none-believers, people who are anti-Christ, people who never listen to the Truth. They are the evil-doers that destroy the world, because because of them, Father became angry and decided to end this world on the right day. So the lucky ones that will only be saved and inherit the Holy Land are the chosen ones.

People are doing their researches and continuing to do new things. Many are creating new things to improve life. Our life become easy and instant. The same as our vitality rate. The same as the growing world's problems.

If I were to be asked what thesis should I do. It should be how shall I save the life of my loveones from fire. It should be a long-term project and an impossible mission if the people will look upon me. Even my family wouldn't believe that I could do it. But with the help of my Father in Heaven, I know I can do it. I knew it will be possible. It might not be easy for me as it may took so much sacrifices.

What I only want in life is to finish my race. To do what Father wants me to do. To become His faithful servant until the end of my life.