Lagi itong ipinagdiriwang tuwing June 12. Ito raw ang petsa kung kailan pinasinayaan ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pang-aalipin ng dayuhan. Nagkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagbasa at pagpapahayag. Malaya na nating naipapahayag ang ating saloobin. Madalas ay sobra sobra pa nga na nagagawa pa nating mambulahaw ng iba. Tulad ng pag-popost ng mga “What’s on your mind sa facebook?”. Malaya ang madla na ibagsak ang sinumang nanunungkulan na ayaw nila. Malaya tayong gumala sa kahit saan natin naisin. Malaya tayong makipagkwentuhan sa kahit kanino, kahit nga buhay ng may buhay pinag-uusapan. Malaya rin tayo sa pagpili ng mga produkto at tinatangkilik, kaya nga marami ang may colonial mentality. Mas gusto pa ang produktong galing abroad kaysa sa sariling atin. Malaya rin sa kultura, liberated. Mabibilang na lamang sa daliri ang mga dalagang Maria Clara. Malaya sa pagpili ng trabaho, pwede rin ang di magtrabaho, kaya maraming nanlilimos sa kanto. Malaya rin sa pagpili ng adhikain, saloobin at relihiyon. Masasabi ba nating malaya na tayo kung inaalipin pa rin tayo ng relihiyong sinasabing ipinamana sa ‘tin ng ating mga ninuno? 333 taon tayong inalipin ng Kastila, 48 taon naman ng Amerikano at 3 taon ng Hapon. Relihiyon. Ayon sa kasaysayan, ito ang pinakamabisang kasangkapan ng dayuhan upang masakop ang mga tao kaya ginamit ng mga Kastila ang Katolisismo para maakit ang mga Pilipino at nang naakit na ay unti-unti na nilang kinamkam ang Pilipinas at pinakinabangan ng husto ang likas na yaman ng bansa. At ang pinakamasakit pa ay tinanggalan ng kalayaan ang mga Pilipino at naging alipin ng dayuhan. Katolisismo. Ayon sa pananaliksik ay relihiyon na ang karamihan ng pinaghugutan ng mga aral ay Paganismo. Kaya ang mga gawain at tradisyon nito ay gawaing pagano. Mga larawan at rebultong dindasalan. Mga piyesta at mga kalayawan. Pagsusugal at mga bisyo. Mga aral na di nakabatay sa Biblia, mga aral na gawa-gawa ng tao. Protestantismo. Aral ng mga protestante na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya ay maliligtas na sila. Ngunit ayon sa Banal na Kasulatan, kailangan itong lakipan ng gawa. At ito’y hindi basta-basta dahil nangagailangan pa ito ng pagpasok sa kawan. Ngayon, masasabi ba nating malaya tayo kung taglay pa rin natin ang relihiyong kinasangkapan ng dayuhan para sakupin ang ating bayan? Grade 2 pa lang ako ay ito na ang itinatanong ko. BULAG! BULAG ang mga Pilipino. Bakit hindi nila naisip na dapat na ring itapon ang kasuklam-suklam na relihiyon kasabay ng pagyakap nila sa kalayaan ng bansa. May mga magsasabing: “Ito lamang ang pinakamatino nilang pamana. Ang kumilala sa Dios.” Oo, maaring ito nga ang kinagisnan natin. Ngayon, sinasabi ko sa inyo, “Hindi iyan ang tunay na paglilingkod sa Dios. Kung sa kasinungalingan ka ba namulat, dyan mo na rin gustong mamatay? “ “Masaya na ako dito. Nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pwede akong di magsamba pag gusto ko. Pwede akong makipagpiyesta, magsugal, maglasing. Makipag-leave-in. Makiapid. Lahat pwede kong gawin nang hindi ako nawawala sa relihiyong kinaaniban ko. ” Samakatuwid, hindi Dios ang pinaglilingkuran mo kundi ang sarili mo lang. Walang pagsasakripisyo. Wala sa puso ang pagsunod. Pakitang tao lang ang paglilingkod. At sa tingin mo totoong nakatala ang pangalan mo sa langit? Tanging ang nasa loob ng kawan lamang ang nakatala ang pangalan sa Aklat ng Buhay. At kung ikaw ay lalabag sa aral Niya, ay pinapawi Niya ang pangalan mo sa Aklat ng Buhay sa langit. Kaya may pagtatali at pagkakalag na nagaganap sa lupa at sa langit. “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. “Naglilingkod naman ako eh. Lagi akong nagpupunta ng church every congregation. Mabait ako, di ako nagnanakaw, di ako naglalasing.” Mabuti, mabuti. Ngunit naalala mo ba ang talinghaga ng taong mayaman: At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? 17At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos. 18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan, 19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. 20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin? 21 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin. 22 Datapuwa't nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw; sapagka't siya'y isang may maraming pag-aari. 23 At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Mahirap na makapasok ang isang taong mayaman sa kaharian ng langit. 24 At muling sinasabi ko sa inyo, Magaan pa sa isang kamelyo ang dumaan sa butas ng isang karayom, kay sa isang taong mayaman ang pumasok sa kaharian ng Dios. -Mateo 19:16-24 at “Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.” –I Corinto 1:19 Kailangan ang buong pusong pagsunod sa Dios at kay Jesus. Kalooban Niyang pumasok ang tao sa Kanyang kawan. Sa tunay na relihiyon. “Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga na kayo'y palayain. Ito ay isa sa mga hula ng Biblia na ang pinatutukuyan ng Hilaga ay ang Protestantismo. Ang Timog naman ay Katolisismo. Dahil ayon sa kasaysayan ay nakararami ang protestanteng bansa sa hilaga at katolisismo sa timog. Dalawang naglalakihang relihiyon sa mundo. Samantala, ang tinutukoy naman na palayain at huwag pigilan ay ang bansang kinatuparan ng muling pagbangon ng tunay na Iglesiang kay Cristo, ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw. Ang bansang Pilipinas na inimpluwensyahan ng Katolisismo at Protestantismo. Nasasabi marahil ng isang tao na malaya na siya kung malaya niyang nagagawa ang nais niyang gawin. Gayunpaman, nalalaman nating lahat na may limitasyon ang lahat ng kalayaan. Ang kalayaan na galing sa Diyos ang dapat na pagsikapang matamo ng tao. Dahil ito ang magiging daan niya para sa buhay na tunay na malaya, buhay na nakalulugod sa Dios. Buhay na ikapagtatamo ng Buhay na Walang Hanggan pagdating ng takdang araw. Inaanyayahan po namin kayong makinig, magsuri sa aral ng Iglesia ni Cristo. Ang tanging daan at kaparaanan sa tiyak na kaligtasan. Pagpalain nawa tayo ng Dios.
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” – Mateo 16:18-19
Sasabihin ko rin sa mga bansa sa timog na huwag kayong pigilan,
hayaan ninyong magbalik ang aking bayan, mula sa malalayong dako;
mula sa lahat ng panig ng daigdig.” – Isaias 43:6
Saturday, June 11, 2011
Pilipino, Tunay ka na nga bang Malaya?
Posted by Andersen Helica at 4:54 PM
Labels: araw ng kalayaan, Iglesia Ni Cristo, INC, june 12
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment