BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Friday, March 11, 2011

May dapat bang Katakutan?

Natatakot ka ba sa multo? Sa alien? O kaya ay sa mga di pangkaraniwang nilalang? Si Ran ng detective conan, bagamat mahusay sa pangangarate ay takot sa mga ganitong nilalang. Kasi daw ay hindi naman tinatablan ng karate ang mga nasabing nilalang. Maaring magbigay sa tin ng kilabot kung tayo ma’y maka-encounter ng mga ganitong bagay. Kahit di pa ko personal na nakakakita ng mga ganitong bagay, ay naniniwala akong may nag-eexist na ganito dahil sila’y kasangkapan ng Diablo upang mandaya. Ngunit ano ba talaga ang sandata laban sa kanila?

Ano pa ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng takot at pangamba? Lagi nating nababalita sa radyo o tv na palala ng palala ang mga krimen at pagpapatay na tila karaniwan na lang na araw-araw natin itong marinig. Kalilindol lang dati, may isa na namang indol na kumitil ng maraming buhay. May gulo doon, may gulo dito, pati trabaho mo naapektuhan. Pati bilihin nagtaasan. San tayo lulugar? Kahit saan naman may nakaambang panganib at kaguluhan.

May personal na takot at pangamba rin tayo di lang sa mga materyal na pangagailangan. Iniiisip natin pano ang buhay natin sa hinaharap gayong palala lang at wala nang kagalingan pa ang mundo. Sinong magsasabing makakabangon pa ang mundo? Hangal ba siya? Kahit ang magaling na ekonomista, sa kalagayan ngayon, hindi niya masiguro kung may pagbabago pa sa hinaharap.

Malapit nang maghukom. Natatawa ka? Hindi ka naniniwala? Wala kang pake?

Ou totoo yun. Malapit na ang paghuhukom kaya ganyan. Nasusulat iyon at hindi pa kailanman nagkamali ang Biblia. Siyempre, lahat sa atin gustong maligtas pagdating ng araw na iyon. Kahit mga ateista ay nanaising maligtas kahit na wala silang Dios.

Anong meron sa araw na iyon? Sa araw na iyon ay darating na muli ang Panginoong Jesus sa lupa upang sunduin ang Kanyang mga lingkod na nagtapat hanggang wakas. Sa kabilang banda’y lilipulin ang mga di maliligtas at sa Impiyerno ang kanilang kaparusahan. Sabi nga sa kaninang leksiyon, ang mga tao ng Dios sa mga huling araw na aabutan ng dakilang Araw na iyon ang siyang makakakita ng pinakamasamang kalagayan ng daigdig, ngunit siya rin namang makakakita ng napakadakilang pagparito ng Panginoong Jesus at ito ang pinakamasayang karanasan sa buhay nila.

Ngayon, may takot ka at pangamba? Matatakot ka ba sa Diablo? Magpapatukso sa kanya? Takot ka sa mga alalahanin na iyong masasagupa pa?

Ang tunay na lingkod ng Dios, walang kinatatakutan. Marami na siyang lingkod na pinagtagumpay Niya mula pa noong una. Kaya kung ikaw ay tunay Niyang hinirang, sinuman o anumang ilagay ng kaaway diyan sa harapan mo ay hindi ka maano dahil sa Dios nakalagak ang buo mong tiwala.

Hindi ko malaman at sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip kung bakit ang mga kaibigan at kakilala ko na may kaniya-kaniyang paniniwala na tila ba ay sarili lang nila ang pinagkakatiwalaan. May mga hidwang paniniwala. Na tila ba ay inaalipin ni Satanas upang huwag makita ang liwanag. Ngunit di pa rin napapawi ang aking pag-asa at pagtitiwala sa Ama tulad ng aking ipinapanalangin na sana ay magkaroon ng kaliwanagan ang kanilang puso’t isipan upang makita nila ang Kaniyang katotohanan at makapagsama-sama kami sa marapat na paglilingkod sa Kanya. Upang sa gayon ay magsama-sama kami sa Bayang Banal na pangako Niya. Tulungan nawa tayo ng Ama.

0 comments: